JK rumesbak sa killer: Juan Karlos, a loving brother, son, lover is still alive & ready to rock and roll!

JK

PINATAY ng mga walang magawang netizen sa social media ang singer na si JK Labajo.

Mismong ang binatang recording artist ang nag-post sa kanyang Instagram account ng litrato ng isang tarpaulin na karaniwang inilalagay kapag may lamay.

Nakalagay dito ang litrato ng binata at nakasulat ang mga katagang, “IN LOVING MEMORY OF Juan Karlos ‘JK’ Labajo.”

Narito naman ang hirit ng “Buwan” singer bilang bwelta sa nagpakalat ng balitang patay na siya, “With all the speculations and rumors going around of his passing, we officially announce with a heavy heart, that Juan Karlos Labajo, a loving friend, brother, son, and lover, is still alive and ready to rock and roll.

“Suck it, haters.”

Sa comments section ng kanyang post, sinagot niya ang isa niyang follower at sinabing hindi pa ito ang tamang panahon para iwan ang kanyang mga fans.

“Love to my supporters. Di ko pa kayo iiwan. Marami pa tayong tataluning mga evil entities.

“Marami pa tayong pababagsaking mga sinungaling at walang puso,” aniya.

Nagkomento rin ang girlfriend ni JK na si Maureen Wroblewitz sa pamamagitan ng dalawang “face with rolling eyes” emojis.

Reply naman ng singer, “@mauwrob labyu beh uwi nako pag di ka na galit.” Na sinagot ni Maureen ng, “@karloslabajo okay hindi na ako galit.”

Read more...