Piolo tuloy ang dasal para sa franchise renewal: Nagbago ang buhay ko dahil sa ABS-CBN

PIOLO PASCUAL

LOOKING forward  na si Piolo Pascual sa pagbabalik ng  Sunday musical variety show na ASAP Natin ‘To sa ABS-CBN na mapapanood sa Kapamilya Channel. 

      Ang Kapamilya Channel ay matatagpuan sa SKY, Cablelink, G Sat, at sa ilan pang cable operators na miyembro ng Philippine Cable Television Association (PCTA) sa buong bansa.

         Sa  Instagram account  ni Piolo ay ibinahagi niya ang kanyang pagmamahal at utang na loob sa ABS-CBN.

       “I’ve been with ABS since my college days… after I came back from the States and signed on for the next 20 plus years, my life has changed for the better. 

“I started with them and if and when I retire I’ll still remain a Kapamilya… I’ve never felt so welcome and with Star Magic as my cradle, I’ve never felt more secure,” caption  ni Piolo sa video na ipinost niya sa kanyang  Instagram.

        Marami  pa raw siyang  gustong sabihin sa mga  ginawang pagbabago sa buhay niya ng  ABS-CBN.  Kaya masidhi rin ang kanyang dasal na maaprubahan na sana ng Kongreso ang bagong franchise ng   network.

      And speaking of franchise renewal, marami ang naliwanagan sa pagharap ng  ABS-CBN big boss na si Eugenio “Gabby” Lopez  III sa ikatlong hearing ng Congress.

    Matapang na hinarap ng dating presidente ng ABS-CBN  ang matagal nang lumulutang na isyu tungkol sa kanyang citizenship. At malinaw pa sa sikat ng araw naman  niyang napatunayan  na isa siyang natural, legal and certified  na Filipino.

    Kaya natapos ang  hearing na napatunayang walang na-violate na batas ang ABS-CBN sa punto  ng  citizenship ng dating presidente ng network.

      Malaking factor ang presensya ng representative  mula sa Department of Justice na si Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar sa hearing as a resource person. 

     “Una po, tungkol po sa pagbigay ng  kumpirmasyon ng DOJ  sa citizenship  ni Gabby Lopez,  hindi po ito pamamaraan ng pag-grant o pag-perfect ng citizenship, dahil siya po ay mayroong magulang, both father and mother, na Filipino citizen, kaya po sa kanyang pagkapanganak siya po ay Filipino citizen,”  esplika ni DOJ Undersecretary Villar.

      Binigyang-linaw din niya na ang pagkakaroon ng US passport  ay nagpapawalang-bisa ng pagiging Filipino niya.

     “Ang kanya pong paggamit ng US passport  ay hindi po dahilan para mawala ang kanyang Filipino citizenship. Ang hindi po niya  pagkakaroon  ng Philippine passport  ay hindi rin isang dahilan  para hindi siya maging Filipino dahil sa pagkapanganak  niya  na may Filipinong ama at ina ay nagbibigay na sa kanya  ng Philippine citizenship,” paglilinaw pa nito.

   

      

                              

Read more...