1 patay, 200 bahay nasunog sa Mandaluyong

ISA ang nasawi sa sunog na tumupok sa tinatayang 200 bahay sa Mandaluyong City kaninang umaga.

Kinilala ang nasawi na si Mila Carillo, 69, ng Correctional Rd. kanto ng 9 de Pebrero, Brgy. Addition Hills.

Nagsimula ang sunog alas-2:59 ng umaga. Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa combustible materials ang mga bahay sa lugar.

Umabot ito sa Task Force Alpha-Bravo alas-3:51 ng umaga bago nakontrol ng mga bumbero.

Naapula ito ng alas-5:40 ng umaga.

Tinatayang P500,000 ang halaga ng ari-arian na nasunog.

Read more...