Pacquiao, Mayweather pasok sa top 10 boxers of all-time ng Boxrec

Sina Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao ang nanguna sa listahan ng top 10 boxers of all-time ng Boxrec. 

KASAMA si Filipino boxing superstar Manny Pacquiao sa top 10 boxers of all-time ng kilalang boxing website na BoxRec.

Lumapag sa No. 2 spot si Pacquiao na sinundan si Floyd Mayweather Jr. na nagtapos sa top spot ng nasabing listahan.

Ang 41-anyos na si Pacquiao ang tanging aktibo na boksingero sa nasabing listahan ng Boxrec. Ang natatanging eight-division world champion sa kasaysayan ng boxing ay may kasalukuyang ring record na 62-7-2 (39 knockouts) at nakalikom siya ng 1,633 puntos para malagay sa ikalawang puwesto.

Si Mayweather, na tinalo si Pacquiao sa kanilang laban na tinawag na Fight of the Century, ay nagretiro na may 50-0 record (27 KOs) at nakuha niya ang No. 1 spot sa natipong 2,255 puntos.

Maliban kina Mayweather at Pacquiao nasa listahan din sina Carlos Monzon, Muhammad Ali, Sugar Ray Robinson, Bernard Hopkins, Joe Louis, Archie Moore, Oscar De La Hoya at Julio Cesar Chavez.

Hndi naman nakasama sa listahan ang ilang sikat at mahuhusay na boksingero tulad nina Mike Tyson, Evander Holyfield, Lennox Lewis, Roy Jones Jr., Felix Trinidad, Pernell Whitaker, Alexis Arguello, Sugar Ray Leonard, Marvin Hagler, Roberto Duran at Rocky Marciano.

Read more...