Hirit ni Vice sa DOTr para sa komyuter: Beke nemen may mabuo sa inyong imahinasyon na epektibong solusyon?!

VICE GANDA

GINAMIT na ni Vice Ganda ang kanyang powers at impluwensiya para matulungan ang mga manggagawang Pinoy na walang masakyan sa lanilang pagbabalik-trabaho.

Hirit ng TV host-comedian sa Department of Transportation (DOTr), mabigyan uli ng maayos na public transportation system ang  mga pasaherong bumalik na sa kanilang mga trabaho.

Malamang sa malamang ay nakarating na kay Vice ang hirap na dinaranas ng mga manggagawang Pinoy sa pagko-commute simula nang magpasukan na uli sila sa trabaho noong June 1 dahil sa problema sa public transpo.

Sa Twitter, idinaan ni Vice ang kanyang mensahe. Aniya, “Panawagan sa Department of Transportation.

“Hirap na hirap na po ang mga commuters. At yan ay base sa aming obserbasyon.

“Delubyo sa kanila ang transportasyon patungo sa kanilang destinasyon.

“Sa dami po ng pinayagang lumabas at magsibalik sa trabaho ay kulang na kulang ang masasakyan. So mukhang may mali sa kalkulasyon.”

Pagpapatuloy ni Vice, “Beke nemen po may mabuo sa inyong mga imahinasyon na epektibong solusyon,” patuloy ng post ni Vice.

“Sana’y may mailabas na kayong impormasyon at aksyon…dahil inyo pong obligasyon na maiayos ang sitwasyon.

“Kawawa naman po talaga ng populasyon.”

Hirit pa ni Vice, “Sa madaling salita. WALA PONG MASAKYAN.

“ANO PONG PLANO NYO? BAKA BALAK NYO SILANG PAGMALASAKITAN.”

Read more...