HOROSCOPE August 16, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Habang patuloy na umaaraw, tuloy din ang pag-angat ng kita. Sa pag-ibig, wag pang hinaan ng loob, gawin agad ang magagandang balak ninyo ng iyong kasuyo. Mapalad ang 4, 19, 27, 35, 44, at 49. Maghiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Yoan-Govinda”.  Yellow at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Huwag mag isip ng masama.  Imbis na maghinala, ibigay ang pagtitiwala sa iyong kliyente upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, hannggat binibigyan mo ng sapat na panahon ang kasuyong Sagittarius hinding-hindi ka nya magagawang lolokohin. Mapalad ang 3, 6, 15, 25, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Matutong makuntento upang lumigaya, hindi dapat hangarin ang mga bagay na wala sa iyo. Sa pag-ibig, kaysa mag hanap ng iba, piliting painitin ang kasuyong nanlalamig, mamayang gabi bigyan siya ng matinding romansa. Mapalad ang 9, 7, 18, 26 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya.”  Green at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—  Mas madali kang uunlad at yayaman, kung sa iisang direksyon lang itutuon ang isipan –  pagkakaperahan! Sa pag-ibig, isipin mo kung paano mo matuturuang magnegosyo ang iyong kasuyo – sa pagtutulungan nyong dalawa mas mabilis na uunlad ang buhay. Mapalad ang 7, 18, 29, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pulkasa-Om.” White at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—   Malulutas ang problema kung hihingi ng suwestyon sa isang  kaibigan. Isang Scorpio ang makakatulong upang maabsuwelto sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, sundin ang tinitibok ng puso upang hindi ka mapahamak. Mapalad ang 2, 16, 28, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Rama-Krisna-Kirsina”. Silver at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Malaking sopresang may kaugnayan sa salapi ang darating. Alalahaning kapag dumami ng dumami ang iyong pera, lalong mas kailangan mong magtipid. Sa pag-ibig, tuloy ang agos ng ligaya habang kadikit ang kasuyong Aries. Mapalad ang 4, 14, 23, 33, 42, at 45. Mahiga mong mantra:  “Abra-Ka-Dabra.” Orange at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—  ‘Wag mag-aksaya ng oras, salapi ang katumbas ng bawat sandali.  Sa pag-ibig, tandaang dalawang bagay lang ang mahaga sa mundo: pera at pamilya.  Mapalad ang 1, 15, 23, 25, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Karaam-Aum”. Yellow at maroon ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—        Malapit na ang “ber month” ngayon palang iplano na ang nalalapit na kapaskuhan! Mas makatitipid kung ngayon palang mamimili na ng mga pang-regalo. Hintaying mag-bargain ang mga department store, yayain ang kasuyo na mamali. Mapalad ang 6, 15, 25, 33, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Taam-Kale-Om.” Pink at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa araw na ito kailangang lagi kang maging optimista, upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, sa  bawat tampuhang nararanasan, sa muling pagbabati at lalong paginit ng relasyon ang kauuwian. Mapalad ang 6, 18, 34, 39, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Atharva-Arjuna-Om.” Green at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Sa business site, magdaos ng isang prayer meeting upang umangat ang kita. Sa pag-ibig,imbis na kung saan-saang lugar nagde-date, ayain ang kasuyo sa isang bahay dalanginan. Mapalad ang 9, 19, 28, 36, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Haram-Om.” Violet at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Kung tuluy-tuloy ka lang na kikilos, lalong madadagdagan ang kita. Sa pag-ibig, sisigla ang  relasyon kung hahaguran ng mainit na halik ang kasuyo sa leeg at laging bibigyan ng pera. Mapalad ang 8, 19, 27, 38, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Name-Aum-Name.” Gray at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Iwasang magsungit. Kung laging paiiralin ang ugaling sumpungin, paano ka kikita ng malaking halaga? Maging mabait sa iyong mga tauhan. Sa pag-ibig, humingi ng sorry sa minamahal, upang muling uminit ang relasyon. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Ava-Yara-Salva-Me-Om”. Green at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Sa malayong pook matatagpuan ang magandang kapalaran. Panahon na upang mag-abroad. Sa pag-ibig, sa pangingibang bansa matatagpuan ang true love. Mapalad ang 5, 12, 21, 30, 33, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Amara-Om-Ananda.” White at pink ang buenas.

Read more...