Para sa may kaarawan ngayon: Habang patuloy na umaaraw, tuloy din ang pag-angat ng kita. Sa pag-ibig, wag pang hinaan ng loob, gawin agad ang magagandang balak ninyo ng iyong kasuyo. Mapalad ang 4, 19, 27, 35, 44, at 49. Maghiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Yoan-Govinda”. Yellow at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Huwag mag isip ng masama. Imbis na maghinala, ibigay ang pagtitiwala sa iyong kliyente upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, hannggat binibigyan mo ng sapat na panahon ang kasuyong Sagittarius hinding-hindi ka nya magagawang lolokohin. Mapalad ang 3, 6, 15, 25, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Matutong makuntento upang lumigaya, hindi dapat hangarin ang mga bagay na wala sa iyo. Sa pag-ibig, kaysa mag hanap ng iba, piliting painitin ang kasuyong nanlalamig, mamayang gabi bigyan siya ng matinding romansa. Mapalad ang 9, 7, 18, 26 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya.” Green at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Mas madali kang uunlad at yayaman, kung sa iisang direksyon lang itutuon ang isipan – pagkakaperahan! Sa pag-ibig, isipin mo kung paano mo matuturuang magnegosyo ang iyong kasuyo – sa pagtutulungan nyong dalawa mas mabilis na uunlad ang buhay. Mapalad ang 7, 18, 29, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pulkasa-Om.” White at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Malulutas ang problema kung hihingi ng suwestyon sa isang kaibigan. Isang Scorpio ang makakatulong upang maabsuwelto sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, sundin ang tinitibok ng puso upang hindi ka mapahamak. Mapalad ang 2, 16, 28, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Rama-Krisna-Kirsina”. Silver at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Malaking sopresang may kaugnayan sa salapi ang darating. Alalahaning kapag dumami ng dumami ang iyong pera, lalong mas kailangan mong magtipid. Sa pag-ibig, tuloy ang agos ng ligaya habang kadikit ang kasuyong Aries. Mapalad ang 4, 14, 23, 33, 42, at 45. Mahiga mong mantra: “Abra-Ka-Dabra.” Orange at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— ‘Wag mag-aksaya ng oras, salapi ang katumbas ng bawat sandali. Sa pag-ibig, tandaang dalawang bagay lang ang mahaga sa mundo: pera at pamilya. Mapalad ang 1, 15, 23, 25, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Yellow at maroon ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Malapit na ang “ber month” ngayon palang iplano na ang nalalapit na kapaskuhan! Mas makatitipid kung ngayon palang mamimili na ng mga pang-regalo. Hintaying mag-bargain ang mga department store, yayain ang kasuyo na mamali. Mapalad ang 6, 15, 25, 33, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Taam-Kale-Om.” Pink at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa araw na ito kailangang lagi kang maging optimista, upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, sa bawat tampuhang nararanasan, sa muling pagbabati at lalong paginit ng relasyon ang kauuwian. Mapalad ang 6, 18, 34, 39, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Atharva-Arjuna-Om.” Green at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Sa business site, magdaos ng isang prayer meeting upang umangat ang kita. Sa pag-ibig,imbis na kung saan-saang lugar nagde-date, ayain ang kasuyo sa isang bahay dalanginan. Mapalad ang 9, 19, 28, 36, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Haram-Om.” Violet at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Kung tuluy-tuloy ka lang na kikilos, lalong madadagdagan ang kita. Sa pag-ibig, sisigla ang relasyon kung hahaguran ng mainit na halik ang kasuyo sa leeg at laging bibigyan ng pera. Mapalad ang 8, 19, 27, 38, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Name-Aum-Name.” Gray at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Iwasang magsungit. Kung laging paiiralin ang ugaling sumpungin, paano ka kikita ng malaking halaga? Maging mabait sa iyong mga tauhan. Sa pag-ibig, humingi ng sorry sa minamahal, upang muling uminit ang relasyon. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva-Me-Om”. Green at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Sa malayong pook matatagpuan ang magandang kapalaran. Panahon na upang mag-abroad. Sa pag-ibig, sa pangingibang bansa matatagpuan ang true love. Mapalad ang 5, 12, 21, 30, 33, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Amara-Om-Ananda.” White at pink ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.