3 oras na TV airtime para sa distant classes ipinanukala

ISINULONG sa Kamara de Representantes ang panukala na maglaan ng airtime ang lahat ng television network para magamit ng Department of Education sa TV classes.

Ayon kay Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian magagamit ang TV classes sa mga lugar na walang maayos na internet.

Inihain ni Gatchalian ang Basic Education Distance Learning Program (House Bill 6964) upang matiyak umano na maipagpapatuloy ang pag-aaral ng mga bata kahit na walang physical classes o traditional face-to-face classroom lectures.

Sa ilalim ng panukala ilalaan ang hindi bababa sa tatlong oras na airtime sa DepEd mula Lunes hanggang Sabado alas-8 ng umaga hanggang 12 ng tanghali.

Gagawin ito hanggang sa makabalik sa tradisyonal na pagtuturo.

“Since the traditional face-to-face classroom set up in schools might still not be safe in light of the virus, DepEd is planning to implement alternative learning modalities, such as technology-mediated learning in delivering lessons to students,” ani Gatchalian.

Ang DepEd ay inatasan na maghanda ng distance learning TV classes na nakabase sa kurikulum ng iba’t ibang grade level.

Ang TV classes ay tatlong oras na video lesson para sa dalawang subject.

Ang mga TV station ay inaatasan din na mag-live stream ng palabas na ito sa kanilang mag social media account.

“While DepEd is leaning towards an alternative learning system with the internet as the primary delivery medium, this Representation believes that an alternative learning system delivered through TV broadcast would be more inclusive and accessible to the masses.”

Batay sa pag-aaral ng Philippine Survey and Research Center (PSRC), ayon kay Gatchalian, 87 porsyento ng mga bahay sa bansa ang mayroong TV set.

“The same study showed that while 82% of homes in the country have internet access, it was largely through mobile access, which is not conducive for home-based learning,” dagdag pa nito.

Read more...