PANSAMANTALA munang itinigil ni Ogie Diaz ang kanyang daily online show na Game Na…Live sa panahong hindi pa muna bumabalik sa himpapawid ang programa nila ni MJ Felipe sa DZMM tuwing Sabado.
“But definitely, I will have one this month. I stopped it because all my past videos, nire-reupload ng mga fake ogie diaz fanpages making it appear na live akong nagpapa-contest sa kanila. Kaya yung mga tao, they tend to believe na it’s me live,” simula niya
Panghalina sa kanyang mga viewers ang pakontes niya where he randomly chooses five to six winners na makakasagot nang tama to his trivia questions. One thou ang naghihintay sa lucky winner.
“Araw-araw yon, I give 5-6k courtesy of my sponsors. The highest live views I got was 26k! Wala akong kinikita dito kasi ina-announce ko kung sino mga nagbibigay at kung magkano ang ibnibigay. Some didn’t want to be mentioned,” he said.
Pasakalye lang actually ito sa aming pakay kaya kinontak namin si Ogie through Messenger. What we wanted to know ay kung ano ang kanyang feeling ngayong nahaharap ang ABS-CBN, his home network, in its biggest battle ever involving its franchise.
“Siyempre, since 1992 pa ako sa ABS-CBN at hanggang ngayon, maganda relasyon ko sa kanila kaya nalulungkot ako sa nangyayari. Alam ko naman, may politikang kasama itong franchise renewal issue kaya hindi maibigay-bigay.
“Kahit nasagot na ang mga isyu noon pa, siyempre, ‘yung ibang congressmen, grandstanding lang ang hanash. Pero siyempre, gusto ko pa ring pasalamatan yung ibang congressman na naniniwala sa ipinaglalaban ng ABS-CBN. At gano’n na rin sa mga senador,” sagot niya sa amin.
Time and again ay ‘yun ang idinadasal niya, na bigyan ni Pangulong Duterte ang istasyon na umereng muli.
Ang isa sa mga dahilan nga rito’y ang hanapbuhay na mawawala sa 11,000 empleyado nito, “So idadagdag mo pa ba ang mga taong umaasa sa network?”
Ang hindi lang maintindihan ni Ogie ay ang reaksiyon ng ilan, bagama’t wala siyang direktang pinatutungkulan.
“Nakakaloka lang na mas apektado pa yung iba (hindi na ako mag-mention ng name kung hindi naman deserve ng banggit from me) samantalang hindi naman sila ang nawalan ng hanapbuhay, kundi kami, pero mas OA ang reaksyon nila!
“Kung pagbintangan ang istasyon namin, parang sakdal linis ng istasyon nila at walang isyu sa BIR nu’ng Oct, 2019 at bigla ko ngang na-miss si Tito Eddie Garcia. Ahem,” sabi pa niya.
Sakay namin whoever Ogie was addressing it to, pero nangako kami never to ask any questions na may kaugnayan sa mga personalidad na ‘yon.
Mahaba ang sagot ni Ogie, pero dito namin ito puputulin. Abangan ang part 2 nito bukas, Sabado.