Tirso bading din ang role sa serye ni Juday, may lihim na pag-ibig kay Sam

Judy Ann Santos, Sam Milby at Tirso Cruz

Sa episode ng Huwag Ka Lang Mawawala noong Miyerkules ay ipinakita na ang medyo may pagkabading na karakter ni Tirso Cruz III bilang si Romulus, ang mahigpit at istriktong amain ni Eros na ginagampanan ni Sam Milby.

Nang magkaroon ng advanced screening para sa dalawang linggong episodes ng Huwag Ka Lang Mawawala sa Resorts World Theater noong Mayo ay tinanong namin ang staff ng Dreamscape Productions kung tunay na anak ni Romulus si Eros dahil bakit sobrang higpit ang trato niya rito? Hindi kasi normal ang relasyon ng mag-ama sa istorya, napangiti lang ang aming kausap.

At nalaman namin na hindi nga tunay na anak ni Tirso si Sam dahil isa siyang bakla at nakilala niya si Helena (Coney Reyes) na isang single mom at nagpakasal at nangakong ituturing na tunay na anak si Eros at ililihim ang kaniyang katauhan.

Sa napanood noong Miyerkules sa eksenang itinulak ni Eros ang daddy niyang si Romulos ay halos mamaluktot sa takot ang huli dahil baka hindi lang balya ang matikman niya sa pinalaking anak. At ang basa namin, mukhang may lihim siyang pagtingin kay Eros kaya galit na galit siya kay Anessa (Judy Ann Santos).

Noon pa namin gustong isulat na bading ang role ni Tirso sa serye pero pinigilan kami para raw magkaroon ng excitement ang manonood. Samantala, last two taping days na lang ang Huwag Ka Lang Mawawala.

Read more...