6 huli sa magkakahiwalay na buy-bust

Arrested

ANIM katao ang nahuli sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Quezon City.

Nahuli ng Project 4 Police sa buy-bust sina Elbert Olayvar, 38, ng Dasmariñas Cavite; Kazumi Emil Ogura, 49, ng Damayang Lagi; Vanessa Alcantara, 37, at Joey Aguinaldo, 49, mga taga-Project 4 alas-11:30 kagabi sa JP Rizal st., kanto ng Aurora Blvd.,. Brgy. Marilag, Project 4.

Nakumpiska umano sa mga suspek ang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P87,500.

Nahuli naman ng Anonas Police sa buy-bust Noel Fernando, 44, ng Brgy. Pasong Tamo, alas-9 kagabi sa Commonwealth Ave. Brgy. San Vicente.

Nasamsam sa suspek ang P10,200 halaga ng shabu.

Nahuli naman ng Eastwood Police si Pamfilo Espinol, 42, ng Brgy. San Vicente, Diliman, alas- 1:30 ng umaga kanina sa Obrero st., Tawiran, Brgy. Bagumabayan.

Narekober umano sa kanya ang 2.3 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P15,4

640.

Read more...