Mayor, 2 pa sugatan sa ambush

gun

SUGATAN ang alkalde ng Lumbaca-Unayan, Lanao del Sur, kanyang misis, at driver nang tambangan ng mga armadong naka-motorsiklo, sa Cagayan de Oro City, kaninang umaga.

Dinala sa pagamutan si Lumbaca-Unayan Mayor Somerado Guro, 60; misis niyang si Rohaifa, 26; at driver na si Ibrahim Gani, 58, dahil sa mga tama ng bala, ayon kay Col. Henry Dampal, direktor ng city police.

Pinalad namang di nasugatan ang staff ng alkalde na si Abdul Rafi Guro, 19.

Naganap ang insidente sa Zone 2, Brgy. Iponan, dakong alas-9:20.

Sinabi sa pulisya ng isang saksi na bigla na lang pinagbabaril ng mga lalaking naka-motor ang itim na pick-up na sinakyan ng alkalde.

Matapos iyo’y namataan ang pick-up na umalis patungo sa Polymedic Plaza Hospital.

Inatasan ni Dampal ang City Police Station 7 na magsagawa ng malalim na imbestigasyon para malaman ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga salarin.

Read more...