Mavy matatawa pag may kaibigang manliligaw kay Cassy; COVID dokyu ni Atom trending

ANO’NG magiging reaksyon mo kung may isa kang kaibigan na nagkagusto sa kapatid mo?

Yan ang game na game na sinagot ng celebrity twins na sina Mavy at Cassy Legaspi sa isang espesyal na panayam ng GMA.

Kumasa sa “What If” challenge ang kambal na anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel at kahit nga mga hypothetical lang ang questions, wala silang inurungang tanong.

Sa katunayan, naka-relate pa nga so Cassy sa tanong kung ano ang gagawin niya kung may kaibigan siya na magkakagusto kay Mavy?

Chika ni Cassy, “Actually that has happened a lot of times. I can’t do anything. Wala, okay lang. It’s okay, like whatever you want I don’t mind. Just don’t forget I’m your best friend.”

Inamin naman ni Mavy na medyo istrikto at protective siya sa kanyang kakambal pagdating sa usaping love.

 “I’m not the type to shut down people who are interested in Cassy but at the same time, protective din ako.

“But before they reach me, I know they have to go through my dad so ‘yun.

“If one of my best friends went through me to ask if pwede sila manligaw kay Cassy or they like Cassy, then I’ll just laugh.

“That’s my number one reaction, I’ll just laugh. I’ll just tell them do whatever and just good luck,” natatawang sey ni Mavy.

                            * * *

Pinag-usapan ng netizens ang pagkakagawa ng The Atom Araullo Specials (TAAS) episode last Sunday, ang “COVID19: Nang Tumigil ang Mundo.” 

Naging top trending topic pa nga sa Twitter ang #NangTumigilAngMundo. Pinuri ng netizens ang dokyu ni Atom Araullo tungkol sa iba’t ibang mukha ng COVID-19 at kung paano nitong naaapektuhan nang husto ang buhay ng mga Pinoy lalo na ang mga mahihirap at frontliners. 

Nailahad daw nang maayos ng Kapuso journalist ang “mukha” ng pandemic na hanggang ngayon ay kinakaharap pa rin ng buong mundo. Hindi rin napigilan ng viewers na madala ng kanilang emosyon dahil na rin sa napanood. Talaga nga raw “eye-opener” ang episode na ito ng TAAS. 

Balita namin, simula pa lang ng pagpapatupad ng community quarantine sa Metro Manila ay sinimulan na ng programa ang paggawa ng nasabing episode. 

Read more...