No-walk in sa mga kukuha ng dokumento sa QC hall

Quezon City

PARA sa mga magbabayad ng buwis sa Quezon City, mahigpit na ipinatutupad ang No Face Mask, No Entry at ang No Walk-in transaction policy.

Ang polisiya ay para sa mga taga-QC na kukuha ng Tax Declaration upang maisalin sa bagong may-ari ang ari-arian na benta, mana o ipinagkaloob (donated).

Ganito rin ang ipinagtutupad na polisiya sa mga kukuha ng certified copy ng tax Declaration at mga sertipikasyon ng pagmamay-ari, adjoining lot ownership, tax maps at iba pa.

Sa mga kukuha ng Tax Declaration, maaaring mag-download ng transaction application form sa

https://www.facebook.com/quezoncityassessorsoffice/services

at ipadala ito sa pamamagitan ng email sa CityAssessors@quezoncity.gov.ph kasama ng scanned copy ng iba pang requirements.

Kung ayaw ng email, maaaring dalhin ang application form at requirements at ihulog sa Drop Box na nasa ground floor ng City Assessor’s Office.

Sa mga magre-request ng certified true copy ng tax declaration, tax Maps, certification of adjoining lots, certificate of property holdings at property verification maaaring mag-apply online sa pamamagitan ng email sa CityAssessors@quezoncity.gov.ph

Maaaring makuha ang hinihinging dokumento sa pamamagitan ng:

– pickup (ang schedule kung kailan makukuha ay ibibigay sa pamamagitan ng email)

– registered mail (sa loob ng 30 araw na walang bayad)

– delivery ng courier (sasagutin ng nag-request ang bayad)

Sa iba pang katanungan ay maaaring tumawag sa 8988-4242 loc. 8296, 8187, 8189, 8185, 8294, 8295, 8368, 8369 o mag email sa CityAssessor@quezoncity.gov.ph

Read more...