KAHIT pa nasa ilalim na ng general community quarantine (GCQ) ang buong Metro Manila, hindi pa rin pwedeng uminom at magbenta ng alak sa Maynila, ayon kay Mayor Isko Moreno.
Sinabi ni Moreno na hindi makatutulong ang alak sa paglaban sa Covid-19 epidemic.
“Sana po maunawaan niyo po ako, tutal bisyo lang naman ito. Ang hinihingi ko lang naman ay pansamantala,” ayon sa alkalde.
Giit ni Moreno, hindi siya mangingiming ipasara ang mga establisimento, maging tindahan man o grocery, na lalabag sa kanyang utos.
“Kapag nagtinda kayo ng alak na pansamantala naming pinagbabawal ay isasara po namin kayo,” sabi niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.