PLM students binigyan ng 1 taon para magbayad ng utang

PLM

BINIGYAN ng palugit na isang taon ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ang kanilang mga estudyante upang mabayaran ang kanilang matrikula at iba pang bayarin sa second semester ng Academic Year 2019-2020.

Inaprubahan ng PLM Board of Regents ang panukala ng management na payagang makapag-enroll ang mga estudyante para sa Academic Year 2020-2021 kahit may utang pa ang mga ito.

“The COVID-19 pandemic has affected millions of our people economically, including the PLM community. We are hoping to lighten their load and give them time to get back on their feet with minimal disruption in their studies. The University is currently building its capability to deliver its programs from a digital platform that will connect our faculty and students,” ani University President Emmanuel Leyco sa isang pahayag.

Malaking bahagi ng matrikula sa PLM ay subsidized ng lokal na pamahalaan.

Para sa darating na pasukan, gagamit ang unibersidad ng blended learning strategies.

“The PLM faculty will be trained to use new technology to deliver lessons to students through virtual channels. Uncollected tuition fees and other school revenues will go a long way in future-proofing the University, as it will be tapped for needed investments on broadcasting and video recording equipment, software, and online delivery channels. Classrooms and audio-visual rooms will need to be retrofitted for this new learning set-up,” saad ng pahayag ng paaralan.

Ang lahat ng estudyante ng PLM ay binigyan ng passing mark para sa katatapos na semestre. Ang mga graduating students ay binigyan naman ng dagdag na panahon para tapusin ang kanilang thesis o dissertation.

Read more...