outbrain

Hirit ni Alessandra kay Assunta: Bruha ka! Bumili kaya kayo ng hospital! 

By Ervin Santiago June 02,2020
share this

Hirit ni Alessandra kay Assunta: Bruha ka! Bumili kaya kayo ng hospital! 

By Ervin Santiago June 02,2020
share this

Assunta-Alessandra

ALIW na aliw ang mga netizens sa magkapatid na Assunta at Alesandra de Rossi, lalo na kapag nagsasagutan sila sa social media.

Hashtag #SisterakaGoals nga ang tawag ng kanilang fans at social media followers kapag nagbibiruan na sila tungkol sa kung anu-anong sitwasyon.

Nito lang nakaraang araw, “binasag” na naman ni Alex ang ate niyang si Assunta na four months pregnant ngayon sa panganay nila ng asawang si Jules Ledesma.

Nag-post kasi si Assunta sa Twitter ng question para sa kanyang followers at nagtatanong ng ilang impormasyon tungkol sa pagpapa-ultrasound ngayong may lockdown.

Tweet ng aktres, “Question: Sino dito ang hindi nakapagpa-ultrasound since lockdown started? Para hindi na ako masyadong kulitin ng mudra ko. Thanks!”

Isa sa mga sumagot sa kanya ay ang kapatid na si Alessandra na nagsabing dapat na siyang bumili ng ospital dahil kailangan niya talaga ang magpa-ultrasound para malaman ang kundisyon ng baby niya.

“Bruha ka. Bumili kaya kayo ng hospital?! Eh talagang ganun. You need ultrasound,” ang birong tweet ni Alex.

Natawa naman ang mga netizens sa sagot ni Alessandra. Hirit pa nga nito, “Oo. Pakilagay lang sa pangalan ko. Alessandra de rossi Medical City!”

Kamakailan, nagbiro rin ang aktres na gusto niyang mag-apply kay Assunta bilang yaya ng magiging anak niya.

Tinawag ni Assunta na miracle baby ang kanyang dinadala ngayon dahil sa kabila ng medical condition niya  (meron siyang endometriosis at myoma) ay biniyayaan pa rin sila ni Jules ng anak. 

Sa loob ng 16 years nilang pagsasama ni Jules ay hindi na talaga nila inaasahan na makakabuo pa sila ng baby.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending