NANAWAGAN si ACT-CIS Rep. Niña Taduran sa Department of Health na gamitin ang barangay health workers sa contact tracing.
Ayon kay Taduran mas magiging mabilis ang contract tracing kung ang mga contract tracer ay pamilyar sa lugar.
“Isailalim lang ang barangay health worker sa online training ng DOH para mas accurate ang pamamaraan ng contact tracing,” ani Taduran.
Ang DoH ay nangangailangan ng 126, 224 contact tracers o isang contact tracer sa 800 katao para mahanap ang mga nahawa ng coronavirus disease 2019.
Maaari rin umanong mamigay ng barangay ng mga survey forms upang mas madaling matukoy kung sino ang mga may sintomas ng COVID-19.
“Printed or online survey forms can help in assessing who could be exposed recently or are having symptoms of the virus in a barangay. These survey forms can also help in counter checking their contact tracing list,” saad ni Taduran.
Upang hindi mahawa, sinabi ni Taduran na dapat ay bigyan ng protective gear ang mga barangay health workers.
“Kailangan din silang bigyan ng dagdag na suweldo dahil mapanganib ang kanilang gawain. Hindi lang naman sa pamamagitan ng telepono gagawin ang contact tracing, maaaring kailanganin din nilang lumabas. Tratuhin silang mabuti dahil ang kanilang epektibong contact tracing ang susi para ma-quarantine agad ang nakasalamuha ng Covid-19 patient at maiwasang kumalat pa ang virus,” dagdag pa ng lady solon.