1K pamilya apektado sa halos 7 oras na sunog sa Mandaluyong

ANIM ang kinailangang gamutin sa halos pitong oras na sunog sa Mandaluyong City kahapon.

Kinilala ang mga biktima na sina John Rex Soriano, 16, Marilyn Garialde, 48, Ma. Fe Litas, 52, Mario Litas, 56, Roland Asuncion, 42, at Nickson Solon, 27.

Nagsimula ang sunog alas-5:32 ng hapon sa ikalawang palapag ng bahay ni Maria Belen Santos sa Blk. 37 Fabella st., Brgy. Addition Hills.

Naging pahirapan para sa mga bumbero na maapula agad ang sunog na iniakyat sa General Alarm alas-8:50 ng gabi.

Naapula ang sunog alas-12:05 ng umaga kanina.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang arson probers upang matukoy ang sanhi ng sunog.

Umabot sa 2 milyon ang tinatayang pinsala ng sunog at tinatayang 1,000 pamilya ang apektado.

Read more...