2-3 bagyo papasok sa PAR ngayong Hunyo

DALAWA hanggang tatlong bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong buwan.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ito ay batay sa mga datos mula 1948 hanggang 2016.

Ang mga papasok na bagyo, kung hindi liliko pabalik sa Pacific Ocean ay tatawid umano sa Eastern Visayas o Southern Luzon.

Ang mga bagyong ito ay tatawaging Butchoy, Carina, at Dindo na susundan ng Enteng at Ferdie.

Wala naman umanong nakikitang papasok na bagyo sa loob ng PAR ang PAGASA sa susunod na limang araw.

Read more...