Sotto Kay Zubiri: Pahirapan mo si Bato ngayon | Bandera

Sotto Kay Zubiri: Pahirapan mo si Bato ngayon

|June 01,2020
facebook
share this

Sotto Kay Zubiri: Pahirapan mo si Bato ngayon

- June 01, 2020 - 06:35 PM

Sen. Bato dela Rosa

BINIRO ni Senate President Vicente Sotto III si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na dapat nitong parusahan ang kapwa senador nila na si Ronald “Bato” dela Rosa matapos sabihin ng huli na “masarap ang buhay” kung sa pamamagitan ng video conferencing ginagawa ang trabaho nilang mga mambabatas.

Ngayong araw ay dumalo sa sesyon sa Senado si dela Rosa upang magdeliber ng sponsorship speech sa panukala niyang dagdagan ang pagkuha ng mga babaeng pulis.

Isa si dela Rosa sa walong senador na “physically present” sa sesyon habang ang 15 pa ay sumali sa pamamagitan ng teleconference.

“Let us take the opportunity of the presence of Sen. Dela Rosa,” ani Sotto bago tawagin si dela Rosa para sa kanyang talumpati.

Mismong si Sotto ang nagsabi kay dela Rosa na dumalo sa sesyon dahil nagiging sikat na ito masyado sa social media.

Katakot-takot na pagtuligsa ang natanggap ni dela Rosa nang sabihin niya sa kanyang mga kapwa senador matapos ang plenary session noong Mayo 26 na, “Sarap ng buhay! Sarap ng buhay! Ganito na lang tayo palagi ha?”

“What he meant was masarap ang buhay na magserbisyo sa bayan,” pagtatanggol naman dito ni Zubiri bago nagsimula ang talumpati ni dela Rosa.

“Pahirapan mo siya ngayon,” pagbibiro ni Sotto kay Zubiri.

Matapos ang kanyang talumpati ay agad siyang nagbigay ng isa pang sponsorship speech sa panukalang ibaba ang height requirement para sa mga nais maging pulis.

Dahil dito ay kapwa natuwa sina Sotto at Zubiri.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Quota na ako, Mr. President,” ani dela Rosa kay Sotto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending