DILG: Imbes na backride, magkabit ng sidecar Bandera

DILG: Imbes na backride, magkabit ng sidecar

|June 01,2020
share this

DILG: Imbes na backride, magkabit ng sidecar

| June 01, 2020 - 05:44 PM

ITINUTULAK ni Interior Sec. Eduardo Año ang paglagay ng sidecar sa motor at bisikleta imbes na mag-angkas upang makasunod sa physical distancing protocol.

“Lagyan lang ng sidecar ang motor ay puwede na niyang isama ang kanyang misis. Ganoon na lang po solusyon habang nariyan pa ang virus,” ani Año.

Ayon sa kalihim, lilikha ng ruta ang kagawaran kung saan papayagang bumiyahe ang mga motor at bisikleta na may sidecar.

Idinagdag niya na hindi pa pinapayagan ang angkas dahil paglabag ito sa physical distancing.

“Hindi maaaring agad-agad payagang ibalik ang mga nakagawian na dahil hindi isusugal ng pamahalaan namagkahawaan ng Covid-19 ang mga mamamayan,” aniya pa.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending