Ogie Diaz niresbakan ni Suzette Doctolero: Wag mo akong diktahan kung anong ipo-post ko

Susan-Ogie

GMA 7 head writer Suzette Doctolero’s rants against ABS-CBN and eventually against Ogie Diaz leaves a bad taste in the mouth.

Posting a graph which showed the taxes paid by ABS-CBN and GMA 7, parang iniintriga ni Suzette na may mali sa binayarang tax ng ABS-CBN just because mas maliit ito compared to GMA.

Marami ang nam-bash kay Suzette lalo pa’t wala siyang mahusay na argumento. Gusto lang niyang magpasiklab sa kanyang home network, gusto lang magmagaling kahit magmukhang mahadera.

What was she driving at? Ewan.  Parang gusto lang niyang patunayan na mas mataas magbayad ng tax ang kanilang network.  Hindi naman siya tax expert kaya nagmukha siyang tanga sa kanyang kiyaw-kiyaw sa social media.

And then, pinatulan niya ang blind item ni Ogie Diaz sa kanyang Facebook account.

Imagine, hindi naman siya pinangalanan pero tumalak ang lolah mo. Napikon siya dahil binanatan ang mga shows niya sa Siyete.

“Huwag mo akong diktahan kung anong ipo-post ko. Napaka ironic na ‘yang ‘nyetang freedom of expression ang binabandera ninyo pero pikon at bitter ka sa anumang dissenting opinion dyan sa inyong narrative na drama drama,” say ni Aling Suzette.

Look who’s talking? Ikaw na ang pikon.  Kapag tinatalakan ka ng followers mo sa social media ay agad-agad mo itong bina-block.  Sino ngayon ang pikon?

“Huwag mo ring kutyain ang mga shows namin. Yes, mas magastos nyong nagagawa ang inyo kasi ‘di kami nangungutang sa gobyerno o pera ng bayan tapos ipapa write off.

Nah, di namin gawain yan. Wala kaming utang. 

“Galing sa malinis na paraan ang pera ng kompanya ko kaya tangina, sobrang proud ako. Tapos disente at honest na nagbabayad pa ng tax kaya sobrang wow!” talak pa niya.

Mismong netizens nga ang tumatalak sa kapalpakan mo, ‘no.  Sa isang episode ng “Alyas Robinhood”, napansin ng televiewer na bumuga ng apoy ang water gun na ginamit sa isang eksena.  Hindi ba nakakatawa ‘yun?

Isa pa, hindi ba’t ikaw pa mismo ang nag-volunteer ng information na hindi nag-rate ang teleserye nina Alden Richards at Maine Mendoza noon.  So, hindi ba’t ikaw ang nanira sa kanila kaya naman na-bash ka nang husto ng AlDub fans?

For your information and proper education, walang tax case ang ABS-CBN.  Just so you know!!!

“Ogs, wag mo nang patulan ‘yon. Kahit sa network namin, ang daming bwisit dyan. Mahadera at epal,” say ng isang taga-GMA kay Ogie.

 

Read more...