Cebu City inatasang magsumite ng detalyadong zoning plan matapos ilagay sa GCQ

COVID-19

INATASAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Cebu City na magsumite ng detalyadong plano para sa zoning ng lungsod matapos namang apruhan na mapabilang sa general community quarantine (GCQ) sa kabila ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

“Sa Cebu po bagama’t GCQ na, kinakailangan pong mag-submit ang mga namumuno sa Cebu City ng kanilang detalyadong plano para po sa zoning sa kanilang siyudad at iyong mga priority barangays,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Idinagsag ni Roque na hindi na kailangan ng travel authority kung  bibiyahe sa loob ng Metro Manila bagamat mandatory naman kung lalabas na ng Kalakhang Maynila.

“Now, hindi rin po kinakailangan ng travel authority kapag mayroong medical and family emergencies, kung ang travel nga po ay sa loob lamang ng isang probinsiya o sa loob nga ng Metro Manila. Iyong mga biyahe po na tatawid ng probinsiya o involving 2 provinces, kinakailangan po ng travel authority pa rin,” ayon pa kay Roque.

 

 

Read more...