Business, building permit sa QC online application na

Quezon City

MAAARI ng magsumite ng application online para sa building permits at business license sa Quezon City.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte maiiwasan ng prosesong ito ang face-to-face interactions sa pagitan ng mga aplikante at empleyado ng city government.

“It is high time that we harness the benefits that technology can offer and implement creative approaches to ensure everyone’s safety,” ani Belmonte.

Simula ngayong araw, ang mga kukuha ng bago o magre-renew ng business permit ay kailangang mag-download at sumagot ng Unified Business Permit Application Form.

Ang nasagutang application form ay maaaring ipadala sa Business Permit and Licensing Division sa pamamagitan ng email: BPLD@quezoncity.gov.ph

“After making a submission online, applicants will be sent an acknowledgement and their status of application.”

Ayon kay Margarita Santos, head ng BPLD, mayroong itinayong e-Response team para tumanggap at sumagot sa mga aplikasyon. Maaari umanong tumahal ng isa hanggang tatlong araw mula sa pagkasumite ng aplikasyon bago lumabas ang permit at lisensya.

“By shifting online, not only we protect our citizens, we also make our processes quicker,” ani Santos.

Maaari namang magbayad sa Landbank at ipadala ang kopya ng deposit slip para sa business tax payments sa pamamagitan ng email CTO@quezoncity.gov.ph.

Kapag na-aprubahan na, ang permit ay maaaring pick-up o delivery.

“We will be strict with our policy that no walk-in applicants will be accepted. For those who prefer to personally submit their application, they will still have to schedule an appointment with us and wait for the appointment confirmation email,” dagdag pa ni Santos.

Maaari ring magpa-schedule ng appointment sa:  https://qcbpldbusinesspermitapplication.setmore.com

Read more...