‘Maraming butas sa pagpapailalim sa NCR, iba pang probinsiya sa GCQ’

MAAGA kaming tumutok sa mga nagaganap sa kalye kahapon para malaman namin kung ligtas na ba talagang lumabas ng bahay ngayon dahil nakapailalim na ang NCR sa general community quarantine.

    Literal na parang mga ibong ikinulong sa hawla nang dalawang buwan at kalahati ang mga kababayan natin sa paglipad at pagpupulasan sa labas dahil sa kasabikan sa kalayaan.

    Matindi na naman ang traffic, buhul-buhol na naman ang mga sasakyan, pero mukhang hindi masyadong napaghandaan ng ating pamahalaan ang transportasyon para sa publiko.

    Nagluwag sa pagtatrabaho, nagbukas ang ibang negosyo, pero wala namang pampublikong transportasyon. 

May mga P2P bus pero kakayanin ba naman ng limitadong bilang nu’n ang mga kababayan nating balik-trabaho na ngayon?

    Ayun, nakatengga ang mga Pinoy sa kalye dahil sa kawalan ng masasakyan. 

Maraming naglalakad na lang, sangkatutak din ang nagbisikleta, pero mas maraming kababayan natin ang namamana sa dilim kung paano sila makararating sa kanilang destinasyon dahil wala naman silang masakyan.

    Maraming butas sa pagpapailalim sa NCR at sa iba pang kalapit na probinsiya sa GCQ.

 Tama ang obserbasyon ng mas nakararami na kailangan na talagang pagalawin ang ekonomiya dahil sayad na sayad na ang kaban ng pamahalaan para sa ayudang ibinibigay sa mga kababayan nating pinagbawalang magtrabaho para masugpo kahit paano ang COVID-19.

Read more...