Aljur may hamon kay Vin: Wala kaming competition, pero mas malakas pa rin ako!

Vin-Aljur

SINUBUKAN na rin ng Kapamilya star na si Vin Abrenica ang pagla-live sa kanyang Facebook sa tulong ng kapatid na si Aljur Abrenica. 

Sinimulan niyang gawin ito sa mismong araw  ng kanyang ika-29  kaarawan  noong Biyernes.

    Sa umpisa ng kanyang video ay winelkam ni Vin ang mga followers niya sa FB,  “Cheers, guys!” 

“Sayang, bawas na yung handa. But this is  what  I have   for my grand birthday. Dahil  special day ko today so, I have my special request, baby backribs. Bigay to sa akin ni  Tita Linda. So good. The best,” kuwento niya.

     Hindi kami pamilyar sa Tita Linda na tinutukoy ni Vin na nagbigay sa kanya ng baby backribs. Duda namin baka siya ang mother ng girlfriend ni Vin, ang Kapuso star  na si Sophie Albert. 

    Pero sa sepatate na Facebook live ni Aljur during Vin’s birthday celebration,  may nabanggit ang mister ni  Kylie Padilla  na nasa Reyes residence siya that time.

    Sa mga hindi pa nakakaalam, ang real name ni Sophie ay Bianca Reyes. Ibig kayang sabihin ay sa bahay nina Sophie nag-celebrate ng birthday si Vin? 

     Why not, coconut? Wala namang masama  kung doon siya mag-party kung gusto naman ng may-ari ng bahay.

      O, pwede rin naman na baka yun ang special birthday treat ni Sophie kay Vin since nasa quarantine pa ang Metro Manila.

   Wala namang ibang guest si Vin na nakita sa kanyang Facebook live kundi si Aljur at ang anak nila ni  Kylie na si Alas Joaquin na lumalaking  kamukha ng kanyang lolo na si Robin Padilla.

    In the middle of Vin’s FB live ay si Aljur naman ang pinagsalita niya dahil hindi pa siya sanay na “tumokis” (read: magsalita) sa harap ng kanyang followers.

  “Guys, first time  kasi ni Vin  na mag-live, e, I’ve been doing  it for a while. Sabi ko, it’s your birthday. Sabi ko, quarantine. He just feel so ano, grateful right now. Sabi ko, let’s spread,  i-celebrate natin ang birthday mo  kasama  yung mga supporters and friends mo,”  mensahe ni Aljur.

  Pinayuhan din  ni Aljur si Vin kung ano at kailan ang best time for him para mag-Facebook live.

   “I was telling this guy when you do workouts, do it live, man. Do you want to see my brother  doing workouts live?” tanong ni Aljur sa followers ni Vin. 

    Sabi pa ni Aljur,  “Kasi sabi ko, ngayon  lang kami nagkita, actually, sa buong quarantine. Sabi ko, you do live  para makita yung  mga workouts  mo.  Para makita ko  kung  talagang mas  malakas  ka na sa akin or  ako pa rin, di ba?  Wala kaming competition. Pero mas malakas pa rin ako. Ha-hahaha!”

     Hindi naman napigilan ni Vin na ilabas ang kanyang  nararamdaman sa pagse-celebrate ng kanyang birthday.

    “Kumusta naman ang birthday ko nu’ng quarantine? I’m telling you guys, it’s the best birthday I had. And I’m not joking,”  diin pa ni Vin.

    Naku, hindi kaya nag-propose na siya kay Sophie? Yan ang dapat nating abangan.

                                

     

Read more...