Bagong hugot ni Kim: Isang mali lang, bobo ka na in your entire life

KIM CHIU AT XIAN LIM

HINDI nagkulang ng pagmamahal at suporta si Xian Lim para sa girlfriend niyang si Kim Chiu lalo na nu’ng kasagsagan ng pamba-bash sa dalaga sa social media.

Mismong si Kim na ang nagsabi na isa si Xian sa mga taong kinapitan niya noong down na down siya dahil sa matinding pambu-bully ng netizens nang dahil lamang sa simple niyang pagkakamali.

Palagi raw niyang kausap si Xian sa telepono na walang sawang nagbibigay ng lakas ng loob sa kanya.

“Parang yun na yata ang pinakamarami kong tawag sa kanya. Para siyang sponge. Kapag may problema ako, nalilipat sa kanya, tapos siya yung nagkaka-anxiety,” pahayag ni Kim sa interview ni Ruffa Gutierrez sa online show na “Love Thy Chika.” 

“Buti na lang lagi ko siyang kausap, lagi kaming magkakuwentuhan. Ina-advise niya rin ako kasi siya din, binash din siya dati ng mga tao,” dagdag ng Kapamilya actress.

Nang dahil din sa mga taong nagmamahal sa kanya, kabilang na ang mga loyal fans ng KimXi loveteam, nagiging positibo pa rin ang mga kanegahang ibinabato sa kanya.

“At the end of the day, tinitingnan ko na lang yung brighter side. Maraming views (mga bashers na gumagawa ng video) so kumikita sila because of me,” pahayag ni Kim.

Pagpapatuloy ng girlfriend ni Xian, “Ang daming nag-a-unfold na opportunities because this bawal lumabas bashing turned into something bright and sunny. 

“Nalungkot lang ako because people are really putting you down. Sa dami ng sinabi na one hour and 30 minutes na kuda namin doon sa live video na yun, isang mali lang, bobo ka na in your entire life. Parang, uy sandali lang, ikaw din naman, nagkakamali ka,” lahad pa ng dalaga.

Sa tanong kung ano ang biggest lesson na natutunan niya sa mga nangyari, “Meron talagang rainbow na nakasilip. Meron mang bagyo na dumaan, dadaan lang yun. 

“I’m happy na I’ve learned something from this experience. People can be mean but nasa iyo yun kung magpapaapekto ka,” dagdag ng aktres.

Read more...