Tulak arestado sa bisperas ng birthday

SHABU BUY BUST

INARESTO ang 23-anyos na babae na nakuhanan ng P2.3 milyong halaga ng shabu sa buy bust operation sa Cebu City kahapon, bisperas ng kanyang kaarawan.

Kinilala ang birthday girl na si Ma. Joe-Ann Cabornay ng Sitio Santo Niño, Brgy. Guadalupe, Cebu City, na nasakote sa Sitio Bliss, Brgy. Labangon alas-5:45 ng hapon.

Ayon kay Maj. Randy Caballes, hepe ng Cebu City Police Intelligence Branch, isang linggo na minamanan ang kilos ni Cabornay bago inilatag ang buy bust operation.

Nakuha sa kanya ang 350 gramo ng shabu na may street value na P2,380,000.

Inaalam pa ng pulisya kung miyembro ang suspek ng drug syndicate na nago-operate sa siyudad.

Read more...