SI Ion Perez ang nagsisilbing “gamot” ni Vice Ganda kapag natatakot at nagkakaroon ng anxiety attacks ngayong panahon ng pandemya.
Ayon sa TV host-comedian, napakalaki ng tulong ng kanyang boyfriend para maging normal ang kanyang mental health condition sa panahon ng community quarantine dulot ng COVID-19.
Sa kanyang online show na “Gabing-Gabi Vice,” sinabi ng TV host-comedian na ine-enjoy nila ni Ion ang bawat araw na magkasama sila ngayong lockdown.
“I’m enjoying the time with him so much. Itong pagka-lockdown ko with him is a big help for me — sa aming dalawa, feeling ko.
“Pero iki-claim ko na sa akin talaga ang laking bagay na nakakapagbigay siya ng kapayapaan sa atin. Kasi ‘yun ang problema ng lahat eh, na nawawalan tayo ng kapayapaan. Lahat tayo nangangamba. Lahat tayo natatakot,” pahayag ng komedyante.
Dagdag pa niya, “Pero kapag katabi mo o kausap mo ‘yung taong mahalaga sa ’yo na kayang magpahupa ng damdaming natatakot, ‘di ba malaking bagay ‘yun?
“‘Yun ang naging effect sa akin nu’ng magkasama kami ni Ion ngayon. Kasi meron akong nasasandalan. ‘Yung ganu’n. At saka meron akong masasabihan ng totoong emosyon ko na hindi ako idya-judge.”
Inamin din ni Vice na may mga pagkakataon ding umiiyak siya sa harapan ni Vice, “Kasi ‘di ba minsan may pagkakataon na may nararamdaman tayo na ‘di maganda pero ayaw nating i-share sa pamilya natin. Kasi baka lalo sila manghina. Baka sila rin matakot for you.
“So, hindi na. Kumbaga sa pamilya ko tapang-tapangan ako. Pero kay Ion kaya kong umiyak. Eh ngayon ‘diba mahalagang iiyak natin ang mga takot?
“Ang mga lungkot natin. Hindi natin kinikimkim. Kasi talagang may epekto sa mental health itong pagkakakulong natin sa mga bahay na walang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari bukas at kung ano’ng nangyayari sa labas,” aniya pa.