KAILANGAN umanong isailalim agad sa coronavirus disease ang mga preso na nagkaroon ng sintomas ng naturang sakit.
Ayon kay AnaKalusugan Rep. Mike Defensor hindi dapat kalimutan ng Department of Health at Department of Justice ang mga preso na nagsisiksikan sa mga kulungan.
“Nobody should be left behind in terms of prompt access to free testing as well as patient care, support and treatment just because they happen to be in prison,” ani Defensor, vice chairman ng House committee on Health.
“We’re afraid we might have a much higher COVID-19 case fatality rate among inmates in particular owing to poor nutrition, limited access to health care and high rates of undiagnosed pre-existing conditions, including tuberculosis and human immunodeficiency virus infection.”
Ayon sa Bureau of Corrections, may 195 COVID-19 cases sa National Bilibid Prison at Correctional Institute for Women. Sa mga ito 161 ang preso at 34 ang correction officers.
Kasama rito ang 49-anyos na correction officer ng NBP na umuwi sa kanyang bayan sa Itogon, Benguet at naging kauna-unahang COVID-19 case roon noong Mayo 29.
Tatlong preso at tatlong prison officer ang nasawi na sa naturang sakit.
“There’s no question that on account of severe overcrowding, all of our correction facilities across the country are extremely high-risk closed settings for transmission, rendering both inmates and correction officers exceptionally vulnerable,” saad ni Defensor.
Batay sa datos ng BuCor, 49,114 preso ang nagsisiksikan sa kulungan na para lamang sa 11,981 katao.
Sa NBP sa Muntinlupa, 28,885 preso ang nagsisiksikan sa kulungan na para lamang sa 6,435 katao samantalang sa Davao Prison and Penal Farm sa Panabo City, Davao del Norte ay 6,555 preso ang nakakulong sa halip na 1,354 lamang.
Sa CIW sa Mandaluyong City, 1,008 lamang dapat ang nakakulong pero ang naroon ay 3,371 preso.
Sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa City, nakakulong ang 2,793 preso na para lamang sa 675.
Sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro ay 994 lamang dapat ang nakakulong pero 2,665 preso ang naroroon.
Nasa 212 porsyento naman ang overcrowding sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City na may 2,288 preso sa halip na 733 lamang.
Sa Leyte Regional Prison sa Abuyog, Southern Leyte ay 1,982 ang nakakulong sa halip na 679.
Nasa 102 preso lamang ang kapasidad ng CIW-Mindanao sa Sto. Tomas, Davao del Norte pero ang nakakulong dito ay 575.