Enrollment sa public schools online muna

SA bahay muna magtatrabaho ang mga guro sa pampublikong paaralan simula sa Hunyo 1-5.

Ayon sa Department of Education ang mga pupunta lamang sa eskuwelahan ay ang mga empleyado na bahagi ng skeleton workforce.

Ipinalabas ang DepEd Memorandum No. 54 series of 2020 para rito.

“To avoid risks of exposure pending the finalization of work arrangements by the heads of offices upon the issuance of the comprehensive guidelines next week, all teachers in DepEd schools nationwide shall work from home from June 1 to 5, except for those specifically authorized by the Regional Directors to form part of the skeleton workforce who will render work in school, subject to observance of COVID-19 health and safety precautions,” saad nu Education Sec. Leonor Briones.

Bukas ang pagsisimula ng enrollment sa pampublikong paaralan pero walang magaganap na face-to-face interaction sa pagitan ng mga guro at mga magulang at estudyante.

“All are reminded that the first two weeks of enrollment shall completely be remote enrollment, where there will be absolutely no face-to-face”.

Upang makapag-enroll maaaring pumunta sa official Facebook page ng eskuwelahan kung saan makikita ang link na kailangan sagutan ng mga magulang.

Sa Agosto 24 itinakda ang DepEd ang pagsisimula ng pasukan para sa School Year 2020-21.

Read more...