92 Intsik huli sa motel

DINAKIP ang 92 Tsino sa isang motel sa Bacoor, Cavite na ginawang opisina ng POGO.

Sinalakay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (PNP CIDG) ang motel makaraan nilang makatanggap ng impormasyon na labas-masok sa motel ang mga Intsik.

Tinangka pang tumakas ng mga dayuhan pero nakorner sila ng mga alagad ng batas. Nakuha sa kanila ang mga laptop at iba pang gadgets.

Ayon sa pulisya, halos lahat sa mga nahuli ay walang work at travel documents.

Read more...