P5M ari-arian nasunog

TINATAYANG P5 milyong halaga ng ari-arian ang natupok sa isang sunog sa Caloocan City kaninang umaga.

Nagsimula ang sunog sa storage area sa ikatlong palapag ng gusali ng Hopewell Sales Corp., sa Gen. Mascardo, Brgy 137, Bagong Barrio, alas-7 ng umaga.

Mabilis umanong kumalat ang apoy at naapula ito alas-12 ng tanghali.

Walang napaulat na nasawi at nasaktan sa sunog.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon para matukoy ang sanhi ng apoy.

Read more...