Liquor ban sa Antipolo aalisin sa Hunyo 1

SIMULA sa Hunyo 1 ay lifted na ang liquor ban sa Antipolo City.

Pero mananatiling bawal pa rin ang pag-inom sa pampublikong lugar.

At tanging ang may quarantine pass lamang ang maaaring bumili ng alak.

Ipinaalala rin ng lokal na pamahalaan na ipinagbabawal ang pagtitipon ng mahigit sa 10 katao sa ilalim ng General Community Quarantine.

“Ang sinumang mahuhuling tao o establisyimento na lalabag dito ay papatawan ng karampatang parusa.”

Bago alisin ang liquor ban, may mga taga-lungsod umano na dumedeskarte at patagong bumibili ng alak sa ibang bayan o bumibili sa black market kahit na mas mahal ang presyo.

Read more...