3 arestado, P2M shabu nasamsam sa buy-bust

SHABU BUY BUST

MAHIGIT sa P2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng Quezon City Police sa isang operasyon sa Makati City kagabi.

Naaresto sa buy-bust operation sina Angelle Mariz Bueno, 31, ng Brgy. Tabacalera, Pateros; Maria Aira Caamic, 40 at Norberto Ortiz, 43, kapwa taga-Makati City.

Nakabili umano ang isang poseur buyer ng P300,000 halaga ng shabu sa mga suspek alas-11 ng gabi sa M.H. Del Pilar, Brgy. Rizal.

Nasamsam sa mga suspek ang 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,040,000.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Viray na nagawa umanong makatakas.

Read more...