INIHAYAG ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Resolution Number 41 kung saan maaari nang magbukas simula Hunyo 7 ang mga barbero at salon, bagamat 30 porsiyento kapasidad lamang ang papayagan.
“Para sa mga barbero, beauty parlor, kayo po ay nasa category 3 na at ibig sabihin sa ilalim ng GCQ (general community quarantine), pupwede kayong magbukas pero hanggang 30 percent capacity lamang at magsisimula lamang ito sa ika-7 ng Hunyo,” sabi ni Roque
Idinagdag ni Roque na makalipas ang dalawang linggo, maaaring itaaas sa 50 porsiyento ang kapasidad ng mga barbero at salon.
“Pero wag po kayong masyadong ma-excite, limitado po ang mga barbero at mga salon sa paggugupit, wala pa ring facial, wala pa rin sa kuko, wala pa ring pagtatanggal ng mga eye brows, hanggang gupit lang tayo,” dagdag ni Roque.
Idinagdag ni Roque, maaaring itaaas sa 50 porsiyento ang kapasidad ng mga barbero at salon makalipas ang dalawang linggo.
“Ang mga barbero at salon sa MGCQ ay pupwede po ang 50 percent operating capacity, at matapos ang tatlong linggo pwede na po ang 100 percent operating capacity,” ayon pa kay Roque.