Veteran actor kontra sa patuloy na pagbabawal sa senior citizen na magtrabaho

RAMDAM namin ang sentimyento ng beteranong TV/movie/theatre actor na si Tommy Abuel sa bantang pagre-restrict sa trabaho ng mga senior citizen o elderly na mas susceptible na makapitan ng COVID-19.

Aniya, “barya-barya” na nga lang daw ang kinikita ng mga tulad niya, pipigilan pa?

We stand our ground na pare-pareho mang classified as senior citizens ang mga tao pagsampa ng edad 60 ay magkakaiba naman ang kanilang health status or condition.

The younger ones (or those below 60) are just as prone.

Bakit, wala bang mas bata ang hindi nagkakasakit? 

At wala rin bang may-edad ang malakas pa rin ang mga buto at kaya pang mgtrabaho?

Kung ito ang premise, ilan sa mga taong gobyerno ang sakop nito? Does it mean that those who are 60 and above will be constrained to give up their civil or political profession?

                          * * *

Tulad ng ibang mga industriya, tumatalima rin ang Film Development Council of the Philippines sa mga alituntunin alinsunod sa pinatutupad na MECQ o modified enhanced community quarantine (maliban sa Cebu at Mandaue City).

Kamakailan ay naglabas ang tanggapan ni Chairperson Liza Dino-Seguerra ng interim guidelines kaugnay ng pagsasagawa ng film at audiovisual production shoots. 

Sa ilalim ng MECQ at GCQ ay pinahihintulutan na ang pelikula, TV at music production to operate however on a 50% capacity.

Nakasaad sa FDCP’s Memorandum Order No. 6, ito’y ipinatupad na simula noong May 16 hanggang bukas (May 31).

Samantala, magkaiba naman ang iginigiiit ng Philippine Motion Pictures Producers Association (PMPPA) sa pangunguna ni Malou Santos hinggil dito.

Naninindigan ang asosasyon na hindi na kailangan pa ng approval mula sa IATF-EID para gumulong muli ang mga production activities.

                                                                                    

Read more...