DoTr-PPA may most modern ambulance na

DOTR-PPA ambulance

NAGKAROON ang Department of Transportation (DoTr) at Philippine Ports Authority (PPA) ng stage 3 ambulance.

Ito ang pinakamodernong ambulansya sa bansa na gawa ng Ford Transit utility van.

Ang ambulansya ay bahagi ng P100 milyong donasyon ng Lopez Group of Companies.

Ito ay mayroong medical wall wide cabinet, collapsible and scoop stretchers, at automated external defibrillator (AED). Mayroon din itong mga medical consumable na magagamit sa emergency treatment.

Ang ambulansya ay magiging katuwang ng COVID-19 quarantine facility sa Pier 15 at Manila South Harbor.

Read more...