UMAKYAT na sa 2,845 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawa ng coronavirus disease 2019.
Ayon sa Department of Foreign Affairs nadagdagan ng 24 ang bilang ng mga nahawang OFW ngayong araw.
Labing-isa naman ang gumaling at may kabuuang bilang na 947.
Anim naman ang dumagdag sa bilang ng mga nasawi na may kabuuang bilang na 340. Ang mga ito ay nasa Europa at Middle East.
MOST READ
LATEST STORIES