PNP iimbestigahan hacking sa PLDT Twitter account

INIMBESTIGAHAN ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group ang pagkaka-hack sa customer service Twitter account ng PLDT na @PLDT_Cares, nitong Huwebes.

“ACG (Anti-Cybercrime Group) is currently conducting an investigation. We might have a feedback in days to come.” ayon kay PNP chief Gen. Archie Gamboa sa isang online press briefing.

Isang di pa nakikilalang hacker ang nag-take over sa account ng PLDT sa Twitter kung saan pinalitan nito ang account name sa PLDT Doesn’t Care.

Nagbanta pa ang hacker na isusunod nito ang Globe.

Nabawi naman ng PLDT ang kanilang account matapos ang isang oras.

Read more...