Heart: Wag n’yong hayaang manalo ang demonyo!

ALAM na alam na ni Heart Evangelista ang gagawin kapag  nakakaramdam na siya ng anxiety.

Sa pamamagitan ng Twitter, ibinahagi ng Kapuso actress kung ano ang nangyayari sa katawan niya kapag nagkakaroon siya ng anxiety attacks.

 “I sometimes feel my hands and different parts of my body shake when I get anxious.

“What can say? It becomes powerful when you give it attention. Fight it … hard. You can do this,” tweet ng misis ni Chiz Escudero.

Ayon sa Kapuso star, sa mga nagaganap ngayon sa mundo, partikular na ang global pandemic sanhi ng killer virus na COVID-19, kailangan lang maging matatag at matapang ang bawat isa. Laging maging positibo kahit napapaligiran pa ng mga negatibong tao at bagay.

“At this point with all that’s happening around us… do something that will make you happy don’t let those demons win inside your mind. They have no power over you,” mensahe ni Heart sa mga tulad niyang nakararanas ng anxiety, stress at depresyon.

Kamakailan, hindi napigilan ni Heart ang maiyak habang nagkukuwento sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” ng tungkol sa kanyang mga pinagdaraanan.

“Porket nakikita ka nilang maganda ‘yung suot mo o porket nakikita nila maganda ‘yung bag mo, you’re living the life. Feeling nila okay ka lang saktan.

“I know may mga sinasabi na ‘toxic positivity’ maybe because hindi rin nila alam yung pinagdadaanan ng tao,” lahad ng aktres.

Read more...