Anak ni Bro. Eddie pumanaw

PUMANAW na ang anak ni House Deputy Speaker at CIBAC Rep. Bro. Eddie Villanueva.

Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ni Bocaue Mayor Joni Villanueva, misis ni dating CIBAC Rep. Sherwin Tugna at kapatid ni Sen. Joel Villanueva.

Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang pamilya.

Noong 2016 unang nanalong mayor ng Bocaue si Joni. Nagtabla ang boto na nakuha nito at ng kanyang kalaban kaya dinesisyunan ito sa pamamagitan ng toss coin.

Noong Marso ay pumanaw ang may bahay ni Bro. Eddie na si Sister Dory.

Read more...