Kelot nanlaban, patay sa buy-bust

PATAY ang isang lalaki na nanlaban umano sa pulis na aaresto sa kanya sa isang buy-bust operation sa Quezon City kahapon.

Ang nasawi na si Carlito Dela Cruz ay wanted umano sa kasong paglabag sa Violence Against Women and Children Act (RA 9262).

Naaresto naman ang mga kasama nito na sina Rexsydee Coralde, 30, at Ronnie Laporteza, 37, ng Brgy. Pinayahan.

Nagsagawa ng operasyon ang Kamuning Police alas-5:10 ng hapon sa Mapangakit st. Brgy. Pinayahan.

Matapos makabili ng shabu ang poseur buyer, nanlaban umano si Dela Cruz at bumunot umano ng baril. Naunahan umanong pumutok ng pulis ang suspek.

Dinala si Dela Cruz sa East Avenue Medical Center subalit hindi na naisalba ng mga doktor ang buhay nito.

Narekober umano sa mga suspek ang dalawang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P13,400, kalibre .38 revolver na may limang bala.

Read more...