Liza: To our dear lawmakers, please renew the ABS-CBN franchise

LIZA SOBERANO

KALMADO at mapagkumbabang nanawagan si Liza Soberano sa Kongreso at Senado na bigyan pa ng isa panh chance ang ABS-CBN na makapagbigay serbisyo sa publiko.

Isang mahabang mensahe ang ipinost ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram account tungkol sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission sa ABS-CBN.

Binigyang-diin dito ng dalaga ang pagkakaisa, pagmamahalan at pagtutulungan ng bawat isa sa gitna ng nangyayaring krisis sa bansa at sa buong mundo.

“It is no secret that ABS-CBN has been facing many challenges these past few weeks. Marami na po ang nagbigay ng kanilang saloobin tungkol dito. May mga nagalit, nalungkot at nasaktan. Meron ding natuwa at nagsabing dapat lang,” simulang mensahe ni Liza.

“We all have different principles in our life and we all have the right to our own opinions. Pero kung mapapansin po ninyo, pride ang nananaig, and because of our pride and beliefs, we are forgetting what is truly important during these tough times, at ‘yun ang maging mabuting tao sa lahat,” aniya pa.

Ipinaalala rin ng aktres sa lahat na, “Nobody is perfect and nobody ever will be, but if we choose to humble ourselves and focus on what really needs to be addressed, then maybe we can also help the world heal.

“I believe that ABS-CBN, the Senate and the Congress are all doing their best para maayos ang lahat sa tamang paraan at tamang proseso.

“Naniniwala ako na kung may pagkakamali o pagkukulang man ang aming istasyon, sinisikap po ng aming leaders na maisaayos po ang lahat. The same as our government officials are doing their part,” lahad ng girlfriend ni Enrique Gil.

Pagpapatuloy pa ng dalaga, “Kaya kung mabibigyan ulit ang ABS-CBN ng opportunity to continue serving in the best way it can – by fully operating, I’m sure maraming empleyado, katulad ko, ang magiging masaya.

“Walang mawawalan ng trabaho, mas marami ang mabibigyan ng tulong, mas maraming mari-reach, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

“To our dear lawmakers, may I humbly ask, please renew the ABS-CBN franchise.”

Read more...