NGAYONG araw ang deadline para sa pagsusumite ng liquidation at encoded list ng mga benepisyaryo para sa ikalawang bugso ng Social Amelioration Program, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).
“As per directive of Secretary Eduardo Año, kailangang tapusin na ng mga LGUs (local government units) ngayon ang liquidation report nila para sa second tranche at i-submit na nila ito pati na ang encoded list of beneficiaries sa DSWD. Only then can we proceed with the 2nd tranche,” ani DILG Undersecretary Jonathan Malaya.
Noong Mayo 26, 472 LGU lamang sa 1,634 sa buong bansa ang nakapagsumite na ang liquidation report sa DSWD.
Ang mga LGUs ay inatasan din na tumanggap ng SAP fund na isinosoli ng mga benepisyaryo na nakakuha na ng tulong mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng DOLA, at Small Business Wage Subsidy (SBWS) ng Social Security System.
“All returned cash subsidies may be given to “left-out” families within their jurisdiction prior to liquidation, provided they are qualified to receive the SAP based on DSWD guidelines,” ani Malaya.
Ang mga ibinalik na SAP fund ay ibibigay ng LGU sa DSWD field offices.
“An official receipt must be issued to the beneficiaries as proof of refund,” dagdag pa ng opisyal.
Umaasa si Malaya na magiging mabilis na ang pamimigay ng ikalawang tranche ng SAP.