McCoy umalma sa fake CR Law, bwelta sa poser: Tutulungan kita pati pamilya mo 

McCoy

NA-BASH nang bonggang-bongga ang Kapamilya young actor na si McCoy de Leon nang dahil sa kumalat na “Law ng CR” sa social media.

Mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga netizens ang umano’y naging pahayag ni Hashtag McCoy kung  saan ikinumpara niya ang kontrobersyal na franchise renewal ng ABS-CBN sa “comfort room.”

Isang quote card na may litrato ng Kapamilya actor ang kumalat sa socmed na may mensaheng, “Kahit po sinabi ng isang professor na hindi naman natin talaga kailangan ang ABS-CBN para mabuhay eh, tama naman po siya dun.

“Pero para sa akin po, ang ABS-CBN, eh… para siyang CR. Tama po, CR.

“Ang CR, hindi naman natin kailangan para mabuhay, eh, kaya hindi siya mahalaga.

“Lumaki po ako sa Tondo kaya po alam ko kung gaano kaproblema ang palikuran sa amin.

“Isipin niyo na lang po na yung ABS-CBN ay CR. Pa’no po kung lahat tayo walang CR? Mahirap po di ba?”

Bukod dito, may isa pang post gamit ang photo ng binata na naglalaman ng mensahe ng binata para kay Pangulong Rodrigo Duterte na umani rin ng batikos mula sa mga tagasuporta ng Presidente.

Ngunit ayon kay McCoy fake news ang lahat ng ito kaya huwag maniwala ang publiko. Sa Facebook ipinost ng aktor ang kanyang official statement kung saan binanggit pa niya ang pangalan ng isang netizen.

“Kung ikaw man ang gumawa nito o kung sino man yung taong gumawa nito para sa akin… 

“Kung mababasa mo to wala akong galit, gusto ko sana malaman kung saan kita pwede makausap dahil gusto kitang tulungan. 

“Pwede mo ko makausap dito sa sarili kong account, i-message mo lang ako (Instagram & Twitter: @hashtag_mccoydl). 

“Hindi ako ma-social media na tao pero para sayo handa ako makikipag usap kahit ano mang oras. 

“Tutulungan kita pati ang pamilya mo dahil alam ko sa panahon ngayon maraming taong naghahanap ng pagkakakitaan, atensyon at tulong. Kung nababasa mo man to, bukal sa puso ko ang tumulong mag-aantay ako. — Mccoy De Leon.”

Samantala, naglabas din ng paglilinaw ang ABS-CBN tungkol sa “Law ng CR” fake news at mariing pinabulaanan na galing ito kay McCoy.

 “Maging mapanuri sa mga nakikita online.

“Hindi ginawa at inilabas ng ABS-CBN News ang infographics na naglalaman ng pekeng pahayag ng aktor na si Mccoy de Leon,” ayon sa statement ng network.

Read more...