Estudyanteng walang internet bibigyan ng printed learning materials

HIHINGIN ng Department of Education ang tulong ng lokal na pamahalaan at parent-teachers association upang makarating sa mga estudyante na walang internet ang kanilang printed learning materials.

“Magpapatulong po tayo sa ating mga local government officials, sa mga barangay, at katulong na rin po siguro ‘yung mga parent-teacher associations at ‘yung mga tele-teachers natin,” ani Education Undersecretary Diosdado San Antonio.

Inirekomenda ng DepEd ang paggamit ng iba’t ibang paraan upang matuto ang mga estudyante nang hindi pumupunta sa paaralan para sa face-to-face learning.

Dahil hindi lahat ng estudyante ay mayroong internet sa bahay, maaari umano na i-print ang mga aralin na ipadadala sa mga ito.

Sa Agosto 24 ay sisimulan na ang School Year 2020-2021.

Read more...