P1.5T SAP aaprubahan ng House panel bukas

Kamara

AAPRUBAHAN bukas ng Defeat COVID-19 Committee (DCC) ang panukalang P1.5 trilyong social amelioration program sa ilalim ng COVID-19 Unemployment Reduction Economic Stimulus (CURES) Act of 2020.

Layunin ng panukala na malimitahan ang tanggalan sa trabaho dulot ng epekto ng coronavirus disease 2019.

“I enjoin all House Members, particularly the Co-chairs and members of the Social Amelioration Cluster, to throw their support behind this bill. I pray that through collaborative efforts of all stakeholders, we can further fine tune this proposal and come up with a refined version that will greatly benefit our fellow countrymen and move our country forward,” ani Romualdez.

Kahapon inaprubahan ng DCC-Social Amelioration Cluster ang panukala.

Sa ilalim ng panukala na akda ni Romualdez, Speaker Alan Peter Cayetano at House Deputy Speaker LRay Villafuerte ang maglalaan ng P1.5 trilyon para lumikha ng trabaho at income-earning opportunities sa bansa.

Ang CURES bill ay iuugnay na rin sa “Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program” kung saan gagawa ng proyekto ang gobyerno sa mga probinsya upang mabuhay ang ekonomiya roon at mahikayat ang pagbalik ng mga lumuwas sa Maynila para maghanap ng trabaho.

Popondohan sa CURES ang mga proyekto sa HEAL (Health, Education, Agriculture at Local roads and Livelihood).

“If we were able to provide over P200 billion on dole-outs through the Bayanihan Act, I think it is just right to provide P500-billion under the proposed CURES Act to create jobs. The rationale of this bill is that all infrastructure projects should be shovel ready. Hindi na po pwede na gagawa tayo ng mga proyekto na aabutin ng mga isa o dalawang taon, dapat implementable ito within 60 to 90 days para diretso na pong mabigyan ang mga tao ng hanapbuhay,” paliwanag ni Villafuerte.

Read more...