Baron napaiyak: Tinatamaan ako ng depresyon, miss na miss ko na asawa’t anak ko

BARON GEISLER

IYAK nang iyak si Baron Geisler nang humarap sa publiko sa pamamagitan ng Facebook Live nitong nakaraang araw.

Inamin ng aktor na nagkakaroon din siya ng anxiety attack nang dahil sa matinding lungkot ngayong may lockdown pa rin sa Metro Manila. 

Malayo si Baron sa kanyang pamilya ngayon na nasa Cebu dahil inabutan siya ng ipinatupad ng enhanced community quarantine sa Quezon City.

“Medyo aminado ako sa ngayon na tinatamaan talaga ako ng depression dahil nami-miss ko yung anak ko. Nami-miss ko yung asawa ko. Mag-isa ako sa Quezon City, pero laban lang.

“Kailangan nating maging matibay. Kailangan nating lumaban kasi mababaliw ka lang, eh. Nakakabaliw lang itong sitwasyon natin.

“Natutuwa naman ako at nagpapasalamat na mayroong Diyos at nakakausap ko rin yung pamilya ko araw-araw at nandoon ang buong suporta. Pero may hangganan ang kalakasan minsan ng tao, bumibigay din,” pahayag ng aktor habang umiiyak.

“Nagpapasalamat ako sa mga kapatid ko, sobrang bait nila. Grabe din yung suporta,” dagdag pa niya habang pinupunas ang kanyang luha.

Pagpapatuloy pa niya, “Wala nang glamour, wala na. Hindi kasi glamorous itong nangyayari at para saan pa yan. Maraming tao diyan na naglalagay pa rin ng facade, na kaya nila ang lahat, pero hindi, patas lang, pantay-pantay tayong nahihirapan—mga businesses.

“Tapos nandiyan pa yung mga paninira. Hindi siya nakakatulong, sa totoo lang.

‘Hindi ako humihingi ng tulong, ang akin lang, gusto ko lang i-voice out na people are really hurting, and it’s okay to know that. It’s okay to know that you are hurting, do not deny that we are all hurting.

“Sasabihin ng mga tao, I’m drunk, ganito-ganyan, hindi eh. Ito ang nangyayari talaga. Siguro magmahalan na lang, pero may hope. Nariyan ang pagdadasal, nandiyan ang Diyos any time.

 “Nagulat nga ako na may nagpadala ng pagkain, ng groceries na hindi ko ini-expect na may mga taong ganyan, na hindi magpapakilala. Sana magpakilala kayo para mapasalamatan ko kayo nang tama, di ba?” lahad pa ni Baron.

Mas lalo pang naiyak ang aktor nang magkuwento tungkol sa kanyang asawa’t anak, “I miss my wife so much. First time akong na-in love nang todo. I miss my wife, I miss my baby.

“I am not asking for sympathy. I’m just like any normal human being who would feel the same way, I guess. Sana magkaroon ng chartered (flight). Gusto ko nang makita ang anak ko, ang asawa ko. Kung ikaw ba naman ilang buwan mo na silang hindi nakakasama,” aniya pa.

“Sa ngayon wala tayong magagawa kundi patapangin na lang ang mga kaluluwa natin at ang psychological warfare na nangyayari sa utak natin,” mensahe pa niya sa madlang pipol.

Read more...